Search and You Shall Find in My World

13 August 2008

Havaianas or Spartans?

I received this one from an email. Had a great time reading. Hope you will too.



Pangalan: Havaianas

Lugar na pinaggalingan: Sao Paulo, Brazil

Pagbigkas:

ah-vai-YAH-nas (Brazilian Portuguese)

hah-vee-ah-naz (American English)
omigash! hah-va-yaH-naZz! (Filipino)

Materyal na ginamit: Malupit na goma (high-quality rubber)

Presyo:
Depende. Ganito na lang- 1 pares ng Havaianas= 100 pares ng Spartan

Mga nagsusuot:
Mga konyotik at mga mayayaman (na noong una ay nababaduyan sa mga naka-de sipit na tsinelas at sasabihing "Yuck! So baduy naman nila, naka-slippers lang.")

Malulupit na katangian at kakayahan:

  • Masarap isuot
  • Shock absorbent
  • Malambot ngunit matibay
  • Makukuha sa sandamakmak na kulay, disenyo at burloloy
  • Maaring isuot sa loob ng Starbucks
  • Mainam na pang-japorms, Mainam i-terno sa iPod at Caramel Machiatto
  • Mapipilitan kang maglinis ng mga kuko mo sa paa
  • Maari ka nang mag-dikwatro sa loob ng mga pampublikong lugar at sasakyan
  • Magiging fashionable ka kapag ikaw ay nagkukuyakoy

Olats na mga katangian:
  • Mahal!
  • Mahal!
  • Mahal!
-----------------------------------------------------------------------------------------------

Pangalan:
Spartan

Lugar na pinaggalingan: Manila, Philippines

Pagbigkas:

spar-tan (American English)
is-par-tan (Filipino)

Materyal na ginamit:
Pipitsuging goma (low quality rubber)

Presyo:
Wala pang 50 pesos. Isang pares ng Spartan= 20 piraso ng pan de coco

Mga nagsusuot:
Ang masa (gaya-gaya lang ang mga sosyal at fashionista)

Malupit na katangian at kakayahan:
  • Maaring ipampatay sa ipis
  • Maaring ipampalo sa mga batang suwail at damuho
  • Pwedeng ipanglusong sa baha at putikan
  • Pwedeng ipamalengke
  • Mainam gamitin sa tumbang-preso
  • Mainam gawing shield kapag naglalaro ng espa-espadahan
  • Mainam isuot sa siko bilang proteksyon habang naglalaro ng piko
  • Mainam na pambato sa picha o shuttlecock na sumabit sa puno
  • Mainam na pangkulob sa pumuputok na watusi, Kapag ginupit-gupit ng pahugis cube, maari mo ng gawing pamato sa larong bingo na kadalasang makikita sa mga lamay ng patay.

Olats na katangian:

  • Madaling magkawalaan kapag hinubad dahil halos pare-pareho lang ang itsura
  • Masakit isuot kapag mga balahibo ang mga daliri mo sa paa
  • Minsan kapag ipinambato mo ito sa shuttlecock na nakasabit sa puno, nadadamay pati yung tsinelas.


No comments: