Search and You Shall Find in My World

Showing posts with label eraserheads. Show all posts
Showing posts with label eraserheads. Show all posts

09 March 2009

Eraserheads forever: Gusto mo ba'ng sumama?

may isang umaga na tayo'y magsasama
o anong sarap

hanggang sa dulo ng mundo
hanggang maubos ang ubo
hanggang gumulong ang luha
hanggang mahulog ang tala
masdan mo ang aking mata
di mo ba nakikita
ako ngayo'y lumilipad at nasa langit na
gusto mo ba'ng sumama?
hindi mo na kailangan ang
magtago't mahiya
hindi mo na kailangan ang
humanap ng iba
kalimutan na muna
ang lahat ng problema
huminga ka ng malalim at tayo'y lalarga na
handa na ba'ng gumala?
ang daming bawal sa mundo
sinasakal nila tayo
buksan ang puso at isipan
paliparin ang kamalayan
masdan mo ang aking mata
di mo ba nakikita
ako lumilipad at nasa alapaap na
gusto mo ba'ng sumama?

28 January 2009

Minsan

Minsan sa may Kalayaan tayo'y nagkatagpuan
May mga sariling gimik at kaya-kanyang hangad sa buhay
Sa ilalim ng iisang bubong
Mga sekretong ibinubulong
Kahit na anong mangyari
Kahit na saan ka man patungo

Ngunit ngayon kay bilis maglaho ng kahapon
Sana'y huwag kalimutan ang ating mga pinagsamahan
At kung sakaling gipitin ay laging iisipin
Na minsan tayo ay naging
Tunay na magkaibigan
Minsan ay parang wala nang bukas sa buhay natin
Inuman sa magdamag na para bang tayo'y mauubusan
Sa ilalim ng bilog na buwan
Mga tiyan nati'y walang laman
Ngunit kahit na walang pera
Ang bawat gabi'y anong saya

Minsan ay hindi ko na alam ang nangyayari
Kahit na anong gawin
Lahat ng bagay ay merong hangganan
Dahil ngayon tayo ay nilimot ng kahapon
Di na mapipilitang buhayin ang ating pinagsamahan
Ngunit kung sakaling mapadaan baka
Ikaw ay aking tawagan
Dahil minsan tayo ay naging
Tunay na magkaibigan...


[Eraserheads will be having another reunion concert this March 2009! and I am hoping the group will savor once again the friendship they used to have. How about a group hug? ]