Search and You Shall Find in My World

Showing posts with label andres bonifacio. Show all posts
Showing posts with label andres bonifacio. Show all posts

07 July 2012

Today in Philippine History


Today is the 120th year founding anniversary of the Kataastaasang Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK) or Katipunan. Padayon ang pakigbisog! Mabuhay ka, Andres Bonifacio!


So Jamie Foxx won't be offended by the KKK, I hope he will have time to read the history of the Revolution of the Philippines and the evolution of the Philippine Flags by clicking on the links below-

The Katipunan (KKK) finally starts a Revolution.
Philippines Historical Flags.

29 November 2011

Andres Bonifacio is still THE MAN!


I have written many times here in my blog about my love for Andres Bonifacio, and this is one of them. For me, he is still the national hero of the Philippines.

Many times, I got emotional upon hearing the music of the play 1896 by the Philippine Educational Theater Association on the start of the Philippine Revolution on that year. It mainly focused on Bonifacio's life as a revolutionary. I wish PETA would publish the 1896 libretto.

Meanwhile I was looking for an appropriate article for tomorrow's celebration of the birth date of Bonifacio (Gat Andres was born on November 30, 1863) and came upon this strongly worded song of the late Francis Magalona. Never heard of this song but I like the nationalistic tone of the lyrics. So this-

1896 Lyrics
Francis Magalona

Sumaludo sa harap ng bandila
Kastila ka bang umaalipin sa alila
Sinakop ng puti ang mga kayumanggi
Pinagnanakaw ang lahi at silay naghari...
Hanggang ngayon pa rin sila pa rin nakaupo
Ilang daang taon mula noon
Nakagapos ang ating mga kamay
Nakapiring ang mga mata
Dila'y pinuputol pag ika'y nagsasalita...
Tulad ni rizal na panulat ang pinairal
Si andres ay pinatay ng kanyang mga kakulay
Yo! hablo espanyol?
Si senior conio
Ako to ay isang mestisong indio po!
You a friend of uncle sam?
Yo! my man I am
I don't speak Tagalog, but I try to understand
Pilipino ka ba?!
Banzai!!!
Shinjimai!!!
Dorobo kedo moto oto kumai!!!

CHORUS:
Dugo'y inialay, para sa bayan...
Sayang naman ang kanilang pinaglabanan...
Dugo'y bumaha at naging pataba...
Bulok ang bunga, tumulo ang luha...

Dugo'y inialay, para sa bayan...
Sayang naman ang kanilang pinaglabanan...
Dugo'y bumaha at naging pataba...
Bulok ang bunga, tumulo ang luha...

Perlas ng silanganan kung tawagin ang pinas
Sinilang sa silangan angkan ni malakas
Anak ni bathala at ako'y nababahala
Di ako naniniwala, na ako ay malaya...
Akala ko ba Philippines 2000
Pero bakit ganoon, parang walang patutunguhan...
Kung buhay lamang ang ating mga bayani
Alam kong sila ang unang-unang
Magsasabi na kahit kailanman...
Bayan muna bago sarili...
Sa pagnanakaw ang nakaupo'y nawiwili...
Kapuna-puna ang mga anomalya
Ang kakapal nila mga walanghiya
Barong tagalog pa ang suot ng mga gago!
Pag nagtagalog, bako-bako, ang labo...
("Ilan sa liderato dapat sa krus ipako")
Alam ba ninyo kung sino ang mga tinutukoy ko?..

(CHORUS)

Dugo'y inialay, para sa bayan...
Sayang naman ang kanilang pinaglabanan...
Dugo'y bumaha at naging pataba...
Bulok ang bunga, tumulo ang luha...

Dugo'y inialay, para sa bayan...
Sayang naman ang kanilang pinaglabanan...
Dugo'y bumaha at naging pataba...
Bulok ang bunga, tumulo ang luha...

Dugo'y inialay, para sa bayan...
Sayang naman ang kanilang pinaglabanan...
Dugo'y bumaha at naging pataba...
Bulok ang bunga, tumulo ang luha...

Dugo'y inialay, para sa bayan...
Sayang naman ang kanilang pinaglabanan...
Dugo'y bumaha at naging pataba...
Bulok ang bunga, tumulo ang luha...

Dugo'y inialay, para sa bayan...
Sayang naman ang kanilang pinaglabanan...
Dugo'y bumaha at naging pataba...
Bulok ang bunga, tumulo ang luha... 

1896 Lyrics copied from Pinoy Lyrics
T-Shirt design grabbed from sketchouse design studio

By the way, the remains of Andres Bonifacio and his brother, Procopio were missing until today. Historians claimed they have found Bonifacio's skeletal remains (or Procopio's) but never the two. Remember they were executed for treason and were buried in the same grave. Exhumed remains in Maragondon, Cavite where they were buried was that of one person only. To this day, Bonifacio's remains is a desaparecido.

Read Ambeth Ocampo's nice article on Bonifacio by clicking on this link- The mystery of Bonifacio's bones.


30 November 2010

Andres Bonifacio is remembered today

Today, my favorite hero of the Philippines is remembered for his 147th birthday. He is one of the founders of the Katipunan (Kataas-taasan, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan), a revolutionary society that waged war against the Spanish regime in the Philippines.

Andres Bonifacio is remembered on his birthday rather than on the date of his death unlike most heroes and saints. 



Photo source: allphilippines.com

30 November 2009

Pag-ibig sa Tinubuang Lupa

I always adore Andres Bonifacio for his courage in forming the Katipunan and starting the Philippine Revolution against Spain in 1896. Some sectors claimed he was not educated and was betrayed by fellow revolutionaries because of that lack. However, as some historians proved, Andres Bonifacio was a good writer (hence this poem) and was even able to translate Rizal's Mi Ultimo Adios to Tagalog.

Today in 1863, the Great Plebeian was born in Tondo, Manila. As my tribute to him, I am quoting in full his own poem I copied from Ating Alamin.


Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
ni Andres Bonifacio

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
sa pagka-dalisay at pagka-dakila
gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
Alin pag-ibig pa? Wala na nga, wala.

Ulit-ulitin mang basahin ng isip
at isa-isahing talastasing pilit
ang salita’t buhay na limbag at titik
ng isang katauhan ito’y namamasid.

Banal na pag-ibig pag ikaw ang nukal
sa tapat na puso ng sino’t alinman,
imbit taong gubat, maralita’t mangmang
nagiging dakila at iginagalang.

Pagpuring lubos ang nagiging hangad
sa bayan ng taong may dangal na ingat,
umawit, tumula, kumatha’t sumulat,
kalakhan din nila’y isinisiwalat.

Walang mahalagang hindi inihandog
ng pusong mahal sa Bayang nagkupkop,
dugo, yaman, dunong, tiisa’t pagod,
buhay ma’y abuting magkalagot-lagot.

Bakit? Ano itong sakdal nang laki
na hinahandugan ng buong pag kasi
na sa lalong mahal kapangyayari
at ginugugulan ng buhay na iwi.

Ay! Ito’y ang Inang Bayang tinubuan,
siya’y ina’t tangi na kinamulatan
ng kawili-wiling liwanag ng araw
na nagbibigay init sa lunong katawan.

Sa kanya’y utang ang unang pagtanggol
ng simoy ng hanging nagbigay lunas,
sa inis na puso na sisinghap-singhap,
sa balong malalim ng siphayo’t hirap.

Kalakip din nito’y pag-ibig sa Bayan
ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal
mula sa masaya’t gasong kasanggulan.
hanggang sa katawan ay mapasa-libingan.

Ang na nga kapanahon ng aliw,
ang inaasahang araw na darating
ng pagka-timawa ng mga alipin,
liban pa ba sa bayan tatanghalin?

At ang balang kahoy at ang balang sanga
na parang niya’t gubat na kaaya-aya
sukat ang makita’t sasa-ala-ala
ang ina’t ang giliw lampas sa saya.

Tubig niyang malinaw sa anak’y bulog
bukal sa batisang nagkalat sa bundok
malambot na huni ng matuling agos
na nakaa-aliw sa pusong may lungkot.

Sa kaba ng abang mawalay sa Bayan!
gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay
walang ala-ala’t inaasam-asam
kundi ang makita’ng lupang tinubuan.

Pati na’ng magdusa’t sampung kamatayan
waring masarap kung dahil sa Bayan
at lalong maghirap, O! himalang bagay,
lalong pag-irog pa ang sa kanya’y alay.

Kung ang bayang ito’y nasa panganib
at siya ay dapat na ipagtangkilik
ang anak, asawa, magulang, kapatid
isang tawag niya’y tatalikdang pilit.

Datapwa kung bayan ng ka-Tagalogan
ay nilalapastangan at niyuyurakan
katwiran, puri niya’t kamahalan
ng sama ng lilong ibang bayan.

Di gaano kaya ang paghinagpis
ng pusong Tagalog sa puring nalait
at aling kaluoban na lalong tahimik
ang di pupukawin sa paghihimagsik?

Saan magbubuhat ang paghihinay
sa paghihiganti’t gumugol ng buhay
kung wala ring ibang kasasadlakan
kundi ang lugami sa ka-alipinan?

Kung ang pagka-baon niya’t pagka-busabos
sa lusak ng daya’t tunay na pag-ayop
supil ng pang-hampas tanikalang gapos
at luha na lamang ang pinaa-agos

Sa kanyang anyo’y sino ang tutunghay
na di-aakayin sa gawang magdamdam
pusong naglilipak sa pagka-sukaban
na hindi gumagalang dugo at buhay.

Mangyari kayang ito’y masulyap
ng mga Tagalog at hindi lumingap
sa naghihingalong Inang nasa yapak
ng kasuklam-suklam na Castilang hamak.

Nasaan ang dangal ng mga Tagalog,
nasaan ang dugong dapat na ibuhos?
bayan ay inaapi, bakit di kumikilos?
at natitilihang ito’y mapanuod.

Hayo na nga kayo, kayong ngang buhay
sa pag-asang lubos na kaginhawahan
at walang tinamo kundi kapaitan,
kaya nga’t ibigin ang naaabang bayan.

Kayong antayan na sa kapapasakit
ng dakilang hangad sa batis ng dibdib
muling pabalungit tunay na pag-ibig
kusang ibulalas sa bayang piniit.

Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak
kahoy niyaring buhay na nilant sukat
ng bala-balakit makapal na hirap
muling manariwa’t sa baya’y lumiyag.

Kayong mga pusong kusang (pugal)
ng dagat at bagsik ng ganid na asal,
ngayon magbangon’t baya’y itanghal
agawin sa kuko ng mga sukaban.

Kayong mga dukhang walang tanging (lasap)
kundi ang mabuhay sa dalita’t hirap,
ampunin ang bayan kung nasa ay lunas
sapagkat ang ginhawa niya ay sa lahat.

Ipaghandog-handog ang buong pag-ibig
hanggang sa mga dugo’y ubusang itigis
kung sa pagtatanggol, buhay ay (mailit)
ito’y kapalaran at tunay na langit.

28 November 2009

Andres

I am no historian so I won't dwell so much on who Andres Bonifacio was or what did he do to deserve such accolade in the annals of Philippine history.

But many years back (in 1996 I think), I watched a play of Philippine Educational Theater Association (PETA) on the Philippine Revolution titled 1896 and was terribly touched by the scene where Gregoria de Jesus (Bonifacio's wife) was looking for him and wondering if Bonifacio was safe. I was actually crying with her (Oryang's character) knowing that the scene before, Andres was already murdered.

Ignorant of the works of historical people, I never knew Oryang was actually singing a poem originally written by the real Gregoria de Jesus.

And so to commemorate my favorite hero's day, Andres Bonifacio, I am quoting here in full the poem of his wife. I copied the text from Kite on her Multiply account.


Magmula, Giliw, nang ikaw ay Pumanaw
Gregoria de Jesus

Magmula, giliw, nang ikaw ay pumanaw,
Katawan at puso ko’y walang paglagyan;
Lakad ng dugo sa ugat ay madalang,
Lalo’t magunita ang iyong palayaw.

Lubhang malabis ang aking pagdaramdam
Sa biglang paggayak mo’t ako’y panawan,
Alaala ako sa iyong pagdaraanan,
At gayundin naman sa iyong katawan.

Na baka sakaling ikaw ay kapusin,
Lumipas sa iyo oras ng pagkain;
Sakit na mabigat baka ka sumpungin
Na lagi mo na lamang sa aki’y daing.

Saan patutungo yaring kalagayan,
Dalamhating lubos liit ng katawan,
Magsaya’t kumain hindi mapalagay,
Maupo’t tumindig, alaala’y ikaw.

Kalakip ang wikang "magtiis, katawan",
Di pa nalulubos sa iyo ang layaw,
Bagong lalaganapang kaginhawaan
Ay biglang nag-isip na ikaw ay iwan.

At kung gumabi na, banig ay ihihiga,
Matang nag-aantok pipikit na bigla,
Sa pagkahimbing panaginip ka, sinta
Sabay ang balong ng di mapigil na luha.

Sa pagka-umaga, marahang titindig,
Tutop ng kamay yaring pusong masakit,
Tuloy na dungawan, kasabay ang silip,
Sa paroroonan mong hirap ay mahigpit.

Matapos sumilip, pagdaka’y lalabas,
Sa dulang kakanan agad haharap;
Ang iyong luklukan kung aking mamalas,
Dibdib ko’y puputok, paghinga’y banayad.

Sama ng loob ko’y sa aking mag-isa,
Di maipahayag sa mga kasama;
Puso ko ay lubos na pinagdurusa,
Tamis na bilin mo’y “magtiis ka, sinta."

Sa akin ay mahigpit mong tagubilin,
Saya’y hanapin at ang puso’y aliwin;
Naganap sumandali'y biglang titigil,
Alaala ka kung ano ang narating.

Mukha’y itutungo, luha’y papatak,
Katawan pipihit, lakad ay banayad;
Pagpasok sa silid, marahang igagayak
Damit na gagamitin sa aking paglakad.

Lilimutin mo yaring kahabag-habag,
Puhunang buhay tatawirin ang dagat;
Pag-alis ay sakit, paroroonan ay hirap,
Masayang palad mo sa huli ang sikat.

Ako’y lalakad, usok ang katulad;
Pagtaas ng puti, agiw ang katulad;
Ang bilin ko lamang, tandaan mo, liyag,
Kalihiman natin huwag ihahayag.

Paalam sa iyo, masarap magmahal,
May-ari ng puso ko’t kabiyak na katawan;
Paalam, giliw ko, sa iyo’y paalam.

Masayang sa iyo’y aking isasangla
Ang sulam pamahid sa mata ng luha,
Kung kapusin palad, buhay mawala,
Bangkay man ako, haharap sa iyong kusa.