Search and You Shall Find in My World

05 May 2009

Nakita Kita


Nakita kita

Nakatambay lang sa eskinita na tila may inaantay

Nakasigarilyo. At sa bawat hithit parang may kamandag

Na umaapaw sa kabuuhan mo. May parang halong hinagpis

Na parang isang belong bumabalot sa katauhan mo

Na parang isang halimaw na nakaluklok,

Naghihintay.


Nakita kita.


(Para kay Jay at sa kanyang kaarawan ngayon)

No comments: